Pinoypoets at Rafa's Deli+Café

Pinoypoets will hold a night of poetry and music at Rafa's Deli+Café (Unit C, 10 Xavierville Ave., Loyola Heights, QC) on June 17, Saturday, at 7 PM.
more . . .


The 3rd Pinoypoets Poetry Workshop

The Pinoypoets will hold its third poetry writing workshop on April 29 and 30 at the new CAL Bldg., UP Diliman.
more . . .


Pinoypoets 2nd Chapbook: A Breath of Fresh O2

A year after the memorable launch of [Öb•Vêrs] Obras in Verse, Pinoypoets Inc. proudly releases its latest poetry compilation via O2 (Obras in Verse Volume II), the second Pinoypoets Chapbook.
more . . .


Mark Angeles and Kristian Cordero Launch their books

Two of the Pinoypoets active members will be launching their books this February and March. Mark Angeles' Patikim and Kristian Cordero's Santigwar.
more . . .


PODDCorp Turns One with "Panagtagbo"

Philippine Offshore Design and Development (PODDCorp) turns one this month and marks the event with an art exhibit dubbed, "panagtagbo"
more . . .



We'd like to see your own original verse! Submit your poetry to PinoyPoets and get the chance to have them posted on the site!

We would be glad to have you with us as we pay homage to the Muses of the Written Word.




ABOUT OUR AUGUST PINOYPOET OF THE MONTH:


Pangalan: Charles Bonoan Tuvilla
Kapanganakan: May 12, 1983
Paaralan: Mariano Marcos State University
Kurso: BS Development Communication


Literary Exposures:

A. Mga nadaluhang talakayan/palihan/lektyur:

LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo) poetry clinic 2006

B. Literary Affiliations:

Pinoypoets, Inc.

 

Q: Kuwentuhan mo naman kami kung ano ang isang pangkaraniwang araw para sa iyo.

A: Gigising akong may hangover at basa ng pawis ang likod. Sigurado yun. Badtrip kasi yung air bed na nabili ko; parang may sariling heater sa loob. Titignan ang CP kung buo pa matapos ang mahaba-habang inuman sa nagdaang gabi, at kung may nagtext (wala) o tumawag (mas lalong wala). Babangon, kukunin ang tuwalya, dederetso sa kusina, titignan kung may maisusubo mula sa sobrang almusal ng mga pamangkin ko (kadalasang wala). Maliligo, magdadamit. Pupulot ng dalawang libro sa ibabaw ng aking mesa. Magpapaalam sa kung sino ang makita ko sa bahay (palaging wala). Bubuntong-hininga.

Maglalakad papunta sa sakayan ng habal-habal o yung mga single na motor. Maghihilamos ng hangin habang nakikipagkerarahan at nakikipagsiksikan si Manong Drayber sa mga malalaking bus sa Ayala. Pagdating sa harap ng aking opisina,bubuntong-hininga.

Kapag nasa loob na ako ng opisina, maghahanap ng workstation. Aayusin ang gamit. Pagka-Log-in sa Avaya, bubuntong-hininga.at maghapong sasabihin ang aking mantra: “Thank you for calling ______. My name is Charles. How may I help you today?” Aayusin ang problema ng taong di ko kilala. Makikipagbolahan. Makikipagplastikan. Makikipagmurahan. Aabangan ang bawat segundo sa hi-tech na telepono, at kapag bumulaga na sa akin ang 0600am, huhugutin ang kable ng headset, tatalikuran ang kompyuter at pagkalabas sa opisina, bubuntong-hininga.

Sasakay ng jeep hanggang EDSA. Sasakay sa kolorum na jeep papuntang Market! Market! Bibili ng Ilocano empanada at beer, maghahanap ng upuan sa sulok at magpapakabundat habang nagbabasa ng libro. Kapag nakapagpatumba na ako ng tatlong Red Horse at umabot na sa mga kalapit-mesa ang amoy-serbesa kong hininga, tatayo at uuwi na. Bubuntong-hininga.

Pagdating sa harap ng bahay, makikipagkulitan muna ako sa mga tambay. Kung may naharang sila sa Basketballl court, tatagay muna kami ng Empe. Kung talo, magpapatakbo ako ng isang bilog at limang pirasong Boy bawang. Kapag hindi ko na nalalasahan ang kaibahan ng alak sa tubig, (magpapa)papasok sa loob ng bahay. Mag(papa)hugas ng katawan, matutulog. Kahit sa ingay ng aking hilik, may malaking buntong-hininga sa gumegewang-gewang kong panaginip.

 Q: Anu-ano ang mga binabasa mo ngayon?

A: Bukod sa mga handouts ng tula na ibinibigay ng LIRA, marami akong binaba(la)sang mga libro ngayon. Katatapos ko lang balikan yung Edad Medya ni Lacaba, at (A)lamat at (H)istorya ni Sir Rio. Makakalahati ko na yung Liyab sa Alaala ni Roberto Añonuevo at How To Travel With Salmon ni Mang Berto (Umberto Eco). May mga parte akong nilaktawan sa Onyx ni Romulo Baquiran, para kasing hindi pa ako handa. Kabibili ko lang ng Kuwadro Numero Uno ni Benilda Santos (na nabubuklat ko sa pagitan ng mga tawag) at  sana makabili ako ng murang The Mysterious Flame of Queen Loana ni Mang Berto.  

Q: Kailan ka nagsimulang tumula? Ano ang nag-udyok sa iyong tumula?

A: Gumagawa na ako ng kung anu-anong essays para sa school paper noon, pero iniiwasan ko ang tula kasi, una, wala naman akong nararamdamang  pagkakaiba nito noon sa mas mahabang essay (na hilig ko dahil sa impluwensya  ng mga 60’s na Reader’s Digest sa bahay); pangalawa, may personal na pagtaboy ang tula sa akin (o ako sa tula) dahil alam kong gusto ng nanay kong matuto akong tumula, pramis. Pinapatulog/binubulabog niya ako gabi-gabi at nakikipagsabwatan kay Edgar Allan Poe: “It was many and many a year ago, in a kingdom by the sea, that a maiden there lived whom you may know by the name of Annabel Lee;” walang mintis yan. Kabisado niya ang buong tula. Siyempre, bagito at kontra nang kontra pa ako noon. Hanggang sa nawala ang nambubulabog. Wala na akong katabing matulog.

Around third year high school, ilang buwan matapos pumanaw ang nanay ko, nagpagawa ng sonnet ang teacher namin. Naghanap ako ng halimbawa ng sonnets at nakita ko yung isang folder ng nanay ko na puno ng tula ni Shakespeare, Browning at ang kalaguyo ni nanay, si Poe. Bigla akong namangha sa mga “kalokohan” nila. Hanggang sa naghanap ako ng kung anu-anong mga tula nila, at tuluyan na nga akong naadik hindi lang sa mga tula, kundi sa mga short stories na rin ng kanluran. Puro kanluran. Hindi ako nagbabasa ng mga tulang galing sa ‘Pinas kasi feeling ko nun, inferior ang mga gawa dito.

Pagkaraan ng ilang taon, bigla akong nagsawa sa “boses” ng kanluran. Para kasing may kulang. Matapos kong balikan ang mga binasa ko, naramdaman kong nakiangkas lang talaga ako sa panitikan nila. Ginalugad ko sa provincial library ng Ilocos yung mga ibinibigay ng Palanca Award foundation na winning entries na parang mga phone book ang kapal. Binalik-balikan ko ang mga volumes hanggang sa nang mabasa ko lahat sa library, nalaman kong mas may kurot pala kapag alam at ramdam mo ang kinukwento o tinutula.

Nagsimula akong maghanap ng libro ng mga authors ng mga nagustuhan kong maikling kuwento. Mula sa mga classics nila Nick Joaquin, F.S. Jose, NVM Gonzales, Francisco Arcellana, Edith Tiempo,  Rony Diaz, hanggang sa mga bagets na sina Sitoy, Palanca, Zafra, Garcia, Lanot, Capili; wala akong pinalampas.  Naging matakaw ako sa Philippine Literature, pero sa Ingles pa rin. Sa dami ng binasa at naisulat ko sa Ingles, may kulang pa rin. Sinagasaan lang ako ng panulaang Pilipino gamit ang libro ng tatay ng barkada ko. Sabi kasi ng barkada ko, parang Xerex lang daw. Ang pamagat: Cubao Midnight Express: Mga Pusong Nadiskaril Sa Mahabang Riles Ng Pag-Ibig. Matapos kong basahin ang ilang mga kuwento, parang hindi ako nagbasa. Sa halip, mas tamang sabihing kinausap ko ang sarili ko, o pinakinggan ko ang sarili ko. Walang labis sa mga titik at salitang ginamit. Walang kulang sa damdaming nais ipahatid. Pagkaraan ng tatlong oras, nagawa ko ang una kong tula sa Filipino.

Yun ang akala ko. 

Pagpasok ko sa LIRA, binatukan ko ang aking sarili matapos malamang hindi pa pala ako nagsisimula. 

Q: Paano mo masasabing "iyo" ang isang tula?

A: Mahirap sabihing may sarili na akong boses o estilo na makapagpapakilala na ang isang tula ay akin. Karamihan kasi ng “himig” na ginagamit ko sa aking mga tula ay maaaring natutuhan ko mula sa dami ng librong aking binasa, at posibleng halu-halong boses na ang lumalabas sa mga nagawa ko. Ngunit kung mapapansin, hinahayaan kong maging payak,  natural at maging “conversational” lang ang mga salita at paraan ng pagsasalita ng mga tula ko dahil nais kong kahit basahin ng mga taong wala naman talagang alam sa teknikalidad ng panulaan, mas mararamdaman nilang bumubulong o nakikipag-usap lang ako sa kanila, sa halip na tumutula.     

Q: Sinu-sino ang mga nakapag-impluwensiya sa iyo?

A: Marami akong pwedeng isama sa listahan ng mga taong nakaimpluwensya sa aking pagsusulat. Medyo mahirap isa-isahin yun. Pero may dalawang makatang talagang nagpamaneobra sa akin mula sa pagsusulat sa Ingles tungo sa panulaang Pilipino: sina Pete Lacaba at si Eugene Evasco. Kung ako ang tatanungin, halos pareho ang estilo sa pagsulat nilang dalawa: simple ang mga salitang ginagamit, pangkaraniwan ang lunan, kontrolado at may pagtitimpi ang emosyong nais ilapag pero kaya rin nilang  isambulat at iladlad ang katotohanang dapat ikalat. Nagkakaiba lang ang isinisilid nilang dominanteng pilosopiya sa kanilang tula. Gamit ang mga pantambay na mga salita, nakatuon sa paghagip ng di-matalikurang kultura at pagpapamulat sa itinatangging katotohanan ang mga obra ni Lacaba, habang nakatutok naman si Evasco sa paggalugad ng bawat sulok ng ating monay na pandama sa modernong panahon.          

Q: Ano pa ang nais mong makita sa Panulaang Filipino?

A: Kung may isang bagay akong nais makita sa panulaang Pilipino, ito marahil ay ang pagkakaroon ng identity ng mga works natin bilang “atin” talaga. Ang pagkakaroon ng walang mantsang panitikan na kapag nabasa o narinig ng taga-ibang bansa, malalaman nang Pinoy ang makata, at Pilipino ang sensibilidad ng ginawa. Hindi galing sa Kanluran, hindi hiniram sa kung saang planeta.. Wala namang kuwestyon sa abilidad natin bilang makata; ang problema lang talaga ay ang sobrang agresibo nating paghabol sa “uso” na ibinabandera ng “ka-post-modern-an” at “eksperimentasyon” ng kanluran. Sa pagdaan kasi ng panahon, unti-unti na  tayong kinukumutan ng mga banyagang estilo, kaya sige naman ang pakikipagkarera natin sa iba, eh tayo pa rin naman ngayon ang nagmumukhang “pirated.” Ang mahirap, maging ang mga tinitingala nating mga guro at makata ay nakikipagpatintero din para makipagbangasan sa kapwa makata upang mapatunayang mas malaki ang etits nila sa iba, sa halip na mamuno sa martsa sa pagpapayabong ng ating sariling kulturang pampanitikan. Kapag nangyari yun, mas magiging puro ang produkto ng panulaang Pilipino at tuluyan nang mawawala ang mga walang kwentang tula at sanaysay sa mga libro ng mga pampublikong paaralan.

Q: Mayroon ka bang kasalukuyang proyekto?

A: Maliban sa pagkakaroon ng baby, wala.

Q; Maaari mo ba kaming kuwentuhan tungkol dito?

A: Sa GA na lang. Maraming batang marunong mag-Internet. Baka mabasa nila.

Q: Ano para sa iyo ang pinakamagandang bahagi ng pagiging isang makata? Ng pagiging isang Pinoypoet?

A: Sa pagiging makata: Masarap talaga ang pakiramdam dahil, una, may hiwaga sa bawat paglapat natin ng salita at paghulma ng ideya sa napakasimpleng bagay, na kapag buo na ang tula, may kung anong “orgasm” tayong nararamdaman. May magic tayo. Walang walang buhay para sa atin. Mas malupit pa tayo kay Dr. Dolittle dahil hindi lang hayop ang kaya nating kausapin. Panis maging si Superman dahil walang kryptonite na makakapagpahina sa atin. Nakikipagsayawan tayo sa mga ulap, sumasabay sa halakhak ng kulog, pinapansin ang landi ng hangin, nakikipagbulungan sa mga kulisap. Pero hindi pa ako makata. Nagpapakamakata lang. At hindi mo magagawa sa iba yun. Kapag nagpapakapulis ka, matitimbog ka. Kapag nagpapakadoktor ka, maipapakulong ka. Kapag nagpapakapari ka, maisusumpa ka. (Eh kapag nagbahay-bahayan ka?!) Pero kapag ikaw ay nagpapakamakata, akala ng iba, makata ka na talaga. At kahit hindi, wala naman talaga silang magagawa. Hindi kasi ito propesyon; ito’y pinapakawalang emosyon na walang bayad (at walang tax, yes!!).

Sa pagiging isang Pinoypoet: Aside from the good-looking guys and dazzling girls na nakilala ko (naks!!!), napakalaking bahagi ang nagawa ng PP sa kabuuan ko bilang manunulat. Mahirap makahanap ng grupong may ganitong debosyon sa pagtula.  Dito ako nakahanap ng mga tulad kong nag-uukol ng oras at atensyon hindi lang para sa pagpapayabong sa sariling mga tula, kundi para mapaunlad at makatulong sa mga obra ng mga kapwa ka-PP. Dito ko napatunayang mali ang persepsyon ng masa na kapag gumagawa ka ng tula, may detachment ka sa karaniwang buhay ng karaniwang tao sa karaniwang mundo. Hindi lang kasi nila alam na mas gamay natin kung ano ang “karaniwan” dahil mas nahahaplos, nasisilip at nahihimay natin kung ano ang hindi pangkaraniwan sa mekanikal na takbo ng normal nilang mundo. Gagamitin ko na rin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa buong grupo ng Pinoypoets sa patuloy na pagtanggap sa akin bilang myembro nitong kuwela at lumalagong pamilya.

Q: Kung magkakaroon ng isang pelikula na pangalan mo ang title, ano ang subtitle nito?

A: The Charles Tuvilla Story

( Ang aninong humiwalay sa katawan)